my 1st blog on purely "TaGaLoG"

I'm a simple person, with simple ambitions in life...


but sometimes when i take my place in the society of the real world, i take pride of being a PINOY!


ang pinoy kasi, di madaling sumuko. kahit inaapi at nasasaktan, lalaban at lalaban ito hangat kamatayan.


i know its a bit exaggerating but PINOY'S are talented people.


i made this blog to make a difference, its filled opinions na gusto kong sabihin sa mundo. kahit di man ito mapansin okay lang, di ko naman hinihingi ang attention ng iba.


=)

Tuesday, March 29, 2011

mahirap nga tlga...

nag mahal ka na ba?

yung tipong buong puso't kaluluwa ay kulang pa para maparamdam mo sa kanya nga mahal na mahal mo siya?

ano nangyari nung inamin mo yung nararamdaman mo?

wala db? yung masaklap pa eh "little sister" lang yung turing niya sayo. masakit man tangapin, pero sabi nga nila "masakit talaga mag-mahal." kulang pa yung pag-mamahal ko, oh sadyang di kami itinadhana. 



inamin ko sayo na mahal kta, pero meron ka nang iba, at ngyn nasasaktan ka dahil sa kanya... kung ako nalang sana, di kita sasaktan tulad niya. mahal kita nga labis pa sa buhay ko, ikaw lang yung unang nag patawa saken. pero sadya di tlga tayo para sa isat isa... sana maging masaya ka na, di kita kayang makita na nasasaktan. 

alam ko na kulang pa ang meron ako, so I've moved on...

(pero ang hirap)

Saturday, March 26, 2011

bukod pa sa asong cute

minsan annoying yung aso ko na si chiky, laging tumatahol pero wala namang tao. minsan bigla kang tatalunan habang taimtim yung pag blog mo, yung tipong galing sa puso yung sinusulat mo then BANG! nasa monitor na yung laway ng aso mo. misan tinanong ako nga tatay ko, "Pipay, aso ba yan si chiky? para kasing kangaroo kung makatalon." natawa nalang ako. gayun paman, mahal ko si chiky kahit weird siya, weird din kasi ako kaya nakaka-relate ako sa katangahan niya...

isang gabi, habang nasa wonder land na yung isisp ko "tulog na" bigla akong nagising, nakita ko nalang yung mukha ni ni chiky na nakaharap saken. tapos bigla nalang ako hinalikan. ayun, nawala antok ko. life size alarm clock ko din siya, tatalunana niya ako pag 6am na dahil yung laruan niya na buto nilalagay ko sa tuktok nga bookshelf, yung la kasi ang di niya maabot. 

ngayon eto nanaman kami, inaaway ako ni chiky,... ang cute niya...

Tuesday, March 8, 2011

bakit nga ba ganun?

idea: street children
query: bakit parami sila nga parami?
doubts: may magagawa pa ba tayo?

ganito kasi yung, habang pa uwi ako sa bahay, my lumapit saken na bata, humuhungi siya ng "piso". di naman ako maramot na tao, pero binanga niya ako. yung tipong pick pocket na style, ayung tuloy napa sigaw ako. 

kung titingnan niya yung scenario, over reacting ako. i admit i was a bit harsh to the kid, pero maraming beses na akong nanakawan. highschool ako, cellphone yung nwala saken, sunod nmn pera... kahit nga nahulugan ako ng wallet alam ko na di na ito mababalik saken, ganito ako mag react.

first year college ako, i promised to myself na di na ako tatanga-tanga, at babantayan ko na yung gamit ko, pero la effect... mismo tinuring kong kaibigan an nag nakaw saken. at nung nalaman niya na nawalan ako, nag offer pa siya saken na pa-uutangin dw niya dw ako... ironic no, yung ninakaw saken na pera aypinautang pa saken... buhay nga naman...

hindi ako mapag-husgang tao, minsan nga pinaniniwalaan ko yung mga kasinungalingan ng iba. pero minsan sadyang masasabi mo sa sarili mo na TAMA NA! sawa na ako sa mga lies, ako na nga tong ginagamit gagaguhin parin nila ako...

sana naman ohh, masulusyonan na itong street children, kasi sa dinami-daming krimen na nangyayari sa mundo and mga bata ang unang naapektohan. sila din ang ginagamit upang gumawa ng karahasan ang ibang masasamang nilalang. sana bukod lang sa pangako, matupad naman kahit konti ang pag alaga sa kabataan pilipino...

sila ang kinabukasan ng ating bansa...