my 1st blog on purely "TaGaLoG"

I'm a simple person, with simple ambitions in life...


but sometimes when i take my place in the society of the real world, i take pride of being a PINOY!


ang pinoy kasi, di madaling sumuko. kahit inaapi at nasasaktan, lalaban at lalaban ito hangat kamatayan.


i know its a bit exaggerating but PINOY'S are talented people.


i made this blog to make a difference, its filled opinions na gusto kong sabihin sa mundo. kahit di man ito mapansin okay lang, di ko naman hinihingi ang attention ng iba.


=)

Saturday, August 13, 2011

pa-uwi palang ako nung may tumwaga sa cellphone ko, ring ito ng ring na di ko makuha dahil nasa ilalim ng bag ko. nung naabot ko na, yung kapatid ko pala yung tumatawag. hinintay ko ulit yung call niya pero after nung last missed call di na siya tumawag. di ko nalang pinansin dahil baka my ginawa pa at di na ulit tumawag. 

dumating na ako sa bahay ng bigla akong naka-kita ng tao sa loob ng bahay, dali-dali kong kinuha yung pamalo at sabay sigaw "HOI, SINO KA?!" nag bigalang nag laho ito pag-pasok ko sa pintuan. 

kinilabutan ako ng labis at biglang nag ring ulit yung cellphone ko. sinagot ko agad ng "teh, anu ba? ginulat mo naman ako eh. bakit ka ba tawag ng tawag eh pwede naman sa text nalang." 

paiyak na sinagot ng kapatid ko yung tanong ko, sabi niya "lokaret ka din pala, nag-aalala kami para sayo. di mo ba alam na naacidente yung best friend mo?"

bigla akong napa upo sa sahig, bumuhos yung luha sa mga mata ko at doon ko nakita yung picture nga matalik kong kaibigan. di ko man lang siya naka usap, sabi ko sa kapatid ko "wag na wag kang mag bibiro ng ganyan, sisipain kita!"

"anu ka ba? bat kita lolokohin eh nasa news ko nalaman" sabi naman ng ate ko.

from that moment, doon ko lang na realize na ang oras ng isang tao ay napa ka importante. kahit man 15 minuets lang malaking bagay na yung para sa kanila. 

nakapag paalam na ako sa kanya ngunit masakit parin tangapin na yung taoon minahal mo ay wala na sa piling mo.

masaya na siya sa langit, tangap ko na di yun. mag kikita nalang kami sa iba pang panahon.