my 1st blog on purely "TaGaLoG"

I'm a simple person, with simple ambitions in life...


but sometimes when i take my place in the society of the real world, i take pride of being a PINOY!


ang pinoy kasi, di madaling sumuko. kahit inaapi at nasasaktan, lalaban at lalaban ito hangat kamatayan.


i know its a bit exaggerating but PINOY'S are talented people.


i made this blog to make a difference, its filled opinions na gusto kong sabihin sa mundo. kahit di man ito mapansin okay lang, di ko naman hinihingi ang attention ng iba.


=)

Tuesday, March 29, 2011

mahirap nga tlga...

nag mahal ka na ba?

yung tipong buong puso't kaluluwa ay kulang pa para maparamdam mo sa kanya nga mahal na mahal mo siya?

ano nangyari nung inamin mo yung nararamdaman mo?

wala db? yung masaklap pa eh "little sister" lang yung turing niya sayo. masakit man tangapin, pero sabi nga nila "masakit talaga mag-mahal." kulang pa yung pag-mamahal ko, oh sadyang di kami itinadhana. 



inamin ko sayo na mahal kta, pero meron ka nang iba, at ngyn nasasaktan ka dahil sa kanya... kung ako nalang sana, di kita sasaktan tulad niya. mahal kita nga labis pa sa buhay ko, ikaw lang yung unang nag patawa saken. pero sadya di tlga tayo para sa isat isa... sana maging masaya ka na, di kita kayang makita na nasasaktan. 

alam ko na kulang pa ang meron ako, so I've moved on...

(pero ang hirap)

Saturday, March 26, 2011

bukod pa sa asong cute

minsan annoying yung aso ko na si chiky, laging tumatahol pero wala namang tao. minsan bigla kang tatalunan habang taimtim yung pag blog mo, yung tipong galing sa puso yung sinusulat mo then BANG! nasa monitor na yung laway ng aso mo. misan tinanong ako nga tatay ko, "Pipay, aso ba yan si chiky? para kasing kangaroo kung makatalon." natawa nalang ako. gayun paman, mahal ko si chiky kahit weird siya, weird din kasi ako kaya nakaka-relate ako sa katangahan niya...

isang gabi, habang nasa wonder land na yung isisp ko "tulog na" bigla akong nagising, nakita ko nalang yung mukha ni ni chiky na nakaharap saken. tapos bigla nalang ako hinalikan. ayun, nawala antok ko. life size alarm clock ko din siya, tatalunana niya ako pag 6am na dahil yung laruan niya na buto nilalagay ko sa tuktok nga bookshelf, yung la kasi ang di niya maabot. 

ngayon eto nanaman kami, inaaway ako ni chiky,... ang cute niya...

Tuesday, March 8, 2011

bakit nga ba ganun?

idea: street children
query: bakit parami sila nga parami?
doubts: may magagawa pa ba tayo?

ganito kasi yung, habang pa uwi ako sa bahay, my lumapit saken na bata, humuhungi siya ng "piso". di naman ako maramot na tao, pero binanga niya ako. yung tipong pick pocket na style, ayung tuloy napa sigaw ako. 

kung titingnan niya yung scenario, over reacting ako. i admit i was a bit harsh to the kid, pero maraming beses na akong nanakawan. highschool ako, cellphone yung nwala saken, sunod nmn pera... kahit nga nahulugan ako ng wallet alam ko na di na ito mababalik saken, ganito ako mag react.

first year college ako, i promised to myself na di na ako tatanga-tanga, at babantayan ko na yung gamit ko, pero la effect... mismo tinuring kong kaibigan an nag nakaw saken. at nung nalaman niya na nawalan ako, nag offer pa siya saken na pa-uutangin dw niya dw ako... ironic no, yung ninakaw saken na pera aypinautang pa saken... buhay nga naman...

hindi ako mapag-husgang tao, minsan nga pinaniniwalaan ko yung mga kasinungalingan ng iba. pero minsan sadyang masasabi mo sa sarili mo na TAMA NA! sawa na ako sa mga lies, ako na nga tong ginagamit gagaguhin parin nila ako...

sana naman ohh, masulusyonan na itong street children, kasi sa dinami-daming krimen na nangyayari sa mundo and mga bata ang unang naapektohan. sila din ang ginagamit upang gumawa ng karahasan ang ibang masasamang nilalang. sana bukod lang sa pangako, matupad naman kahit konti ang pag alaga sa kabataan pilipino...

sila ang kinabukasan ng ating bansa...



Wednesday, February 9, 2011

sana nga...

Nag lakad nab a kayo sa daan na walang pangamba nab aka may mag-holdup sa inyo? O mag drive na confident na hindi e-car nap yung sasakyan niyo? Di kaya, nasubukan nab a ninyong umalis at iwan ang bahay niyo na walang tao dahil wala naman mag tatangka mag akyat-bahay?

Simple la ang buhay natin, kahit gano tayo ka yaman o singhirap ng daga wala tayong karapatan manakit o mag nakaw sa kapwa natin.

For the past 23 years, I’ve been living in a small twon in Leyte. Tacloban City was a proud city during the Marcos era. After his death, Tacloban became another city in the Philippines, living a simple life back to its normal state. My grandfather used to love this place. He has so many friends, allies and business partners. He invested on real estate and optical clinics, he roamed the whole Philippines and yet he invested more in this city. Unfortunately, he died only to find out that those investments weren’t enough for him to be happy.

The more we strive to become a better person, lagi tayong may natatapakan. Di man natin sinasadya, ngunit ang buhay ay para ding bola, minsan tayo ay nasa taas minsan diin tayo ay nasa baba.

Sana sa buhay na tinatahak ko ngayon di ko mararanasan ang manlinlang ng aking kapwa. Sana kahit gano man kahirap ang buhay ko sa hinaharap di ito maging rason para ako’y manakit at isumbat sa sarili ko na walang saysay ang lahat na aking pinag hirapan.

Monday, February 7, 2011

drama queen!!!

hahaha... I'm a one heck of a drama queen, nasaktan man noon pero in love paring ngayon. dont underestimate the love of a woman, lagi man kami nasasaktan, minamahal parin namin yung tao na tinitibok ng ng aming puso. 


pero honestly, naawa ako sa mga babae na sobrang mag-mahal. from the song Grenada by  Bruno Mars some people prefer to:
I’d catch a grenade for ya 
Throw my hand on a blade for ya 
I’d jump in front of a train for ya 
You know I'd do anything for ya 
pero kahit pa ipag-sigawan natin sa buong mundo na mahal natin ang isang nilalang, di ito sapat para tayo naman ang mahalin. siguro nga, bukod pa sa true love di natin ma-papantayan yung pag-ibig na di para saten. i read a quote from a website, this is how i deeply love someone. i cant express my feelings for him because he belongs to somebody else... 


The greatest pain 
that comes from love
is loving someone 
you can never have.


I'm happy to see him happy, but minsan inaasam ko parin na kahit sa panaginip man lang ay makapiling ko siya... =)

Wednesday, February 2, 2011

panaginip...

nag-karoon naba kayo ng isang panaginip na mula sa inyong nakaraan? yung tipong kilala niyo yung tao ngunit alam niyo na malabo mangyari na kayo ang magkasama. nung nagising kayo, pilit niyong bumalik sa pag tulog dahil mas gugustuhin niyo na makasama siya kahit sa panaginip lamang.


kagabi, mahimbing akong natutulog. wala akong iniisip na tao, problema, o kahit naman lang yung aso ko. masarap matulog lalo na pag malamig ang panahon, di mo na pala namalayan na umaga na. 


yung panaginip ko ay nag umpisa sa isang office, parang engineering office kasi puno ito ng mga bilog na lalagyan ng blue prints. may kasama akong lalake, hindi ko siya kilala ngunit nararamdaman ko na matalik kaming mag-kaibigan. we were even joking around, then bumukas yung pintuan ng isang office malapit sa pinag lalagyan ng blue prints. may lumabas na babae at tinawag ako, then she realized na hindi pala ako yung secretary. pagkatapos nakita niya yung babae at nag apologize saken. habang kausap ko yung kasama kong lalake nakita ko yung tao sa loob ng office, kilala ko siya at doon palang tumibok ng malakas ang puso ko. di ko akalain na sa panaginip ko doon ko siya makikita at makakasama. yung pangalan niya ay Luigi, tinawag niya ako at kinamusta di ko namalayan nag iba na yung setting ng panaginip ko. nanduon na kami sa isang bar, magkatabi at sweet. kinilig nga ako eh, pagka tapos noon eh muli kaming nag usap. tinanong niya ako "nag drugs ka ba?" natawa nga ako, dahil it was a very silly question. i never even attempt to take drugs, pero na hospital ako nung high school ako dahil uminom ako nga slimming pills, nag palpitate yung heart ko at nahirapan akong huminga. sinagot ko siya, sinabi ko na hindi ako nag drugs, pero na hospital ako noon dahil sa pills. from then on lumayo ako sa kanya, tapos yung arm ko naka higa sa table at yumuko ako. tapos the unexpected thing happen, nilapit niya yung mukha niya saken and he whispered to me na "ayaw ko nang maulit yun" then all of a sudden he kissed me, it was not an ordinary kiss that lasted a second but a kiss that you see in movies that melts your heart. i never wanted to wake up, because i felt the way he loved me, the way he cared for me, the sincerity of it all. 


that was my dream, my unforgettable dream...     

Sunday, January 30, 2011

sweet serendipity

Serendipity o kung tawagin natin eh "tadhana". 


may kaibigan ako noon, she was one if those people who believes in fate. lagi niya akong pinag sasabihan na wag mag madali and that i should wait for love to come not the other way around. funny thing thou, she never married until now. 


kailangn pa ba natin hintayin ang lalake na para sa atin or maybe with some luck nandun lang pala siya sa tabi natin. nasaktan na ako noon, dinamdam ko yung sakit na dulot ng aking pag ka bigo. i can feel every inch of my heart break into peaces. naalala ko p noon, umakyat ako sa bundok at doon ko sinigaw yung galit ko sa mundo. di ko man ito masabi sa iba dahil di nila nararamdaman yung sakit sa puso ko.


buti nalang naka move on ako, ngunit mapag laro ang tadhana at muli akong nasaktan. simula noon, inisip ko nalang na bawat relasyon na aking pinasok ay laro lamang. ni minsan di ko ito sineryoso, at umabot na ako sa punto na kahit sarili ko ma lang ay di ko na nirespeto. 


nagalit ako sa mundo, sinbay ko ang aking puot sa ibang tao na nag mamalasakit saken. mas ginusto ko ang manahimik sa sulok, siguru nga kinarma na ako. ngunit gayun paman namulat parin ako sa katotohanan, at nalala ko na balang araw magiging masaya din ako...


balang araw....